Magsanoc naipanalo agad ang Bedans

MANILA, Philippines - Sasandal ang San Be-da Red Lions sa isang roo-kie coach at mga bagong hugot para sa asam nilang three-peat feat sa darating na 88th NCAA basketball season sa Hunyo.

Bagamat anim na team practices lamang ang na­gawa, naigiya pa rin ni mentor Ronnie Mag­sanoc, pi­nalitan ang nagbitiw na si Frankie Lim noong nakaraang buwan, ang Red Lions sa 69-63 panalo laban sa La Salle Green Archers sa pagbubukas ng FIl-Oil Flying V Hanes Pre-Season Premier Cup noong Sabado sa The Arena sa San Juan City.

Si Magsanoc, naglaro sa high school team ng San Beda bago tinulungan ang University of the Philippines Maroons sa pagkopo sa kanilang unang UAAP title no­ong 1986, ay aasa kina Nigerian Ola Adeogun at Fil-Am Julius Armon.

Nagkampeon ang Red Lions ng limang korona sa nakaraang anim na NCAA seasons.

Nagtumpok sina Adeogun at Armon ng pinagsamang 21 points, 17 rebounds at 3 assists para sa panalo ng San Beda kontra sa La Salle.

Show comments