^

PSN Palaro

Riders handang-handa na sa pagpadyak sa Le Tour bukas

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - May pangamba man dulot ng posibleng pagbag­sak ng pira-pirasong parte sa North Korea rocket na inaasahang inilunsad sa kalawakan kahapon, hindi naman nito mapipigil ang paglarga ng 2012 Le Tour de Filipinas na magsisi­mula bukas sa Sta. Ana, Cagayan.

Lahat ng 11 dayuhang koponan at 5 local teams ay nasa Cagayan na at hi­nihintay na lamang ang official flag-off para tumakbo na ang apat na araw na karera sa bisikleta na handog ng Air21 sa tulong ng Smart, Foton at Jinbei.

“Everything’s a go and we are all ready to get this race on the road,” wika ni Gary Cayton ang pangu­lo ng nag-oorganisang Dynamic Outsource Solutions, Inc.

Naunang dumating sa hanay ng bisitang koponan ang Dutch Global mula Netherlands na lumapag kamakalawa para mas makasanayan ang mainit na panahon na kahapon ay pumalo sa 35 degrees Celcius.

Ang iba pang dayuhan tulad ng mga continental teams na CCN na mula rin ng Netherlands, Aisan Ra­cing Team ng Japan, OCBC ng Singapore, Uzbe­kistan Suren ng Uzbekistan, Action ng Chinese-Taipei at ang ma­la­kas na TPT o Ta­briz Petrochemical ng Iran, bukod pa sa mga club teams na Plan B ng Australia, Pure Black Racing ng New Zealand, Colossi Miche ng Indonesia at Indonesia national team ay nakarating na rin.

Isama pa sa mga nag­pa­pahinga na ngayon sa C­agayan ang mga local teams na Smart-PhilCycling national team, Air21, Mail And More, LPGMA-American Vinyl at Kia.

“Unknown to many, cy­cling is the world’s no. 2 sport next to football in terms of viewership. Part of Smart’s commitment to sports is to support the Philippine cycling team with the hope that we beco­me a world class cycling country,” wika ni Smart Division Head ng Wireless Consumer na si Noel Lorenzana.

Darating ngayon ang godfather ng Philippine Cycling at si Air21 chairman Bert Lina upang samahan si Cagayan Con­gressman Jackie Enrile sa gagawin ng huli na welcome dinner.

Bukas ay magkasama rin ang dalawa para sa pag­sisimula ng Stage One na isang 155-kilometrong tagisan mula Sta. Ana hang­gang Tuguegarao.

AISAN RA

AMERICAN VINYL

BERT LINA

CAGAYAN CON

COLOSSI MICHE

DUTCH GLOBAL

DYNAMIC OUTSOURCE SOLUTIONS

GARY CAYTON

JACKIE ENRILE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with