^

PSN Palaro

Vargas ASBC honorary vice prexy

-

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng boses ang Pilipinas sa Asian Bo­xing Confederation (ASBC) nang ilagay ang pangulo ng Amateur Boxing Association of the Philippines Ricky Vargas bilang Hono­rary Vice President sa isinagawang Extraordinary Gene­ral Assembly noong Martes sa Rixos President Hotel sa Astana, Kazakhstan.

Umabot sa 28 bansa ang dumalo sa pagpupulong at walang tumutol sa mga dumalo sa pagnombra kay Vargas ni ASBC president Gofur Rakhimov ng Uzbekistan.

Pabor ang international body na AIBA sa nasabing aksyon ng ASBC dahil agad na binati si Vargas ni AIBA president Dr. Ching Kuo Wu ng Chinese-Taipei.

“He is a man of stature who will surely be a great asset to the international boxing family,” wika ni Dr. Wu.

Kasabay nito ay itinala­ga rin ng ASBC ang Pilipinas na siyang magiging punong abala sa Asian Youth Boxing Championships na gagawin sa Setyembre.

Hindi bumababa sa 20 bansa ang sumasali sa kompetisyong bukas sa mga kalalakihang boksi­nge­ro na edad 18-anyos pa­baba.

Ito ang lalabas na ka­una-unahang pinakamala-king international boxing event na may basbas ng AIBA sa panunungkulan ni Vargas at Manny V. Pangi­linan na siyang chairman ng ABAP.

Pinasalamatan ni Var­gas ang pagtitiwala na ibinigay sa Pilipinas at na­­ngakong gagawin ang lahat para maging memorable ang hosting na ito.

Bukod kay Vargas ay dumalo rin sa General Assembly mula sa ABAP sina secretary-general Patrick Gregorio at executive director Ed Picson.

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES RICKY VARGAS

ASIAN BO

ASIAN YOUTH BOXING CHAMPIONSHIPS

DR. CHING KUO WU

DR. WU

ED PICSON

EXTRAORDINARY GENE

PILIPINAS

SHY

VARGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with