MANILA, Philippines - Sa ikalawang sunod na taon ay isang boksingero sa kalalakihan lamang ang maipapadala ng Pilipinas sa Olympics.
Kinapos si Charly Sua-rez sa paghahabol ng puwesto sa London Olympics nang makontento lamang sa pilak sa lightweight sa tinamong 11-15 pagkatalo kay Liu Qiang ng China sa pagtatapos kahapon ng Asian Olympic Qualifying Boxing Tournament sa Astana Kazakhstan.
Itinodo ni Suarez ang laban sa ikatlo at huling round sa hangaring bawiin ang 4-8 iskor matapos ang dalawang round.
Sa tindi ng mga pinaka-walang suntok ng 23-anyos na boxer mula Davao ay dumugo ang ilong at nabilangan ng standing eight si Liu.
Pero nagdesisyon ang mga hurado na sumuri sa 3-round bout na bigyan ng 7-7 tablang iskor para manalo ng apat na puntos ang Chinese boxer.
Bukod sa ginto ay naku-ha ni Liu ang karapatang maglaro sa London Olympics dahil tanging ang gold medalist lamang sa 60-kilo-gram division ang uusad sa prestihiyosong torneo sa mundo.
“Mahirap tanggapin,” wika ni ABAP executive di-rector Ed Picson sa isang text message.
“Bugbog kay Charly ang kalaban sa last round pero nakatabla sa 7-7 score,” dagdag pa ni Picson.
Mataas ang paniniwala ng kampo ni Suarez na makukuha nito ang gintong medalya matapos ilampa-so si Daisuke Narimatsu na isang two-time national champion ng Japan, 24-11, sa semifinals.
Nakapasok si Liu sa finals gamit ang 18-6 ta-gumpay kay Suraki Al-Waaily ng Iraq.
Sa nangyari, si light flyweight Mark Anthony Barriga na lamang ang magtatangka sa medalya sa London Games.
Noong 2008 sa Beijing ay isang boksingero lamang ang naipasok ng ABAP sa katauhan ni lightfly Harry Tanamor na sinamangpalad na nasibak agad sa unang laban kontra sa ‘di kilalang si Manyo Plange ng Ghana.
Ang hangaring madagdagan pa ang boxers ng bansa sa London ay iaatang ngayon sa women’s boxers sa pagsalang nila sa World Women Boxing Cham-pionships na natatanging Olympic qualifying event sa Quinhuangdao, China mula Mayo 9 hanggang 20.