NLEX wala pa ring talo

MANILA, Philippines - Isinantabi ni Calvin Abue­va ang iniindang hamstring injury upang tulungan ang NLEX sa 66-60 panalo kontra sa Café France sa idinaos na PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Nagbuhos ng walong puntos si Abueva kasama ang dalawang freethrows sa huling 13.6 segundo upang hawakan ng Road Warriors ang 64-60 kalamangan na nagtiyak sa kanilang ikaapat na sunod na panalo.

Nagkumahog ang Road Warriors dahil hawak ng Ba­kers ang 46-51 kalamangan sa bungad ng fourth period.

Pero gumana uli ang de­pensa ng tropa ni coach Boyet Fernandez at nili­mi­tahan ang Bakers sa da­lawang puntos habang ang tres ni Emman Monfort ang tumapos sa 14 puntos ng NLEX para sa 60-53 lead.

Hindi agad tumupi ang Bakers at nagsanib pu­wersa sina Mike Parala at Jens Knuttle para idikit ang koponan sa 62-60.

Nagkaroon ng pagkakataon ang Bakers na itabla ang laban nang sumablay si Abueva sa dalawang freethrows pero nakuha nito ang offensive rebound at nalapatan ng foul ni Mon Mabayo.

Pasok ang dalawang bi­rada na nagselyo ng tagumpay.

May 8 puntos si Abueva upang suportahan ang 14 at 12 na ginawa nina Cliff Hodge at Chris Ellis.

 Pumasok na rin sa win column ang Boracay Rum nang talunin ang Junior Po­werade, 64-60, sa isa pang laro.

 Tinapos ng tropa ni coach Lawrence Chongson ang pinakamasamang 0-3 start sa prangkisa nang magpakawala sila ng 10-0 bomba sa puntong hawak ng Tigers ang 51-57 kalamangan para ipatikim din sa katunggali ang ikalawang pagkatalo sa apat na laban.

Bumandera sa tropa ni Chongson si Kenneth Acibar na may 17 puntos.

Show comments