^

PSN Palaro

Gasol itinakas ang Lakers sa panalo

-

NEW ORLEANS - Sa kabila ng depensa nina New Orleans 7-footers Chris Kaman at Jason Smith, nakakuha pa din si Pau Gasol ng 25 points at 9 rebounds para tulungan ang Los Angeles Lakers sa 93-91 paggiba laban sa Hornets.

Si Gasol ang sumalo sa naiwang trabaho ng may injury na si Kobe Bryant.

‘’I’m one of the anchors - when (Bryant) is not there, even more - so I get a lot more involved in the offense,’’ sabi ni Gasol.

Ito ang ikalawang laro na hindi nakita sa aksyon si Bryant dahilan sa kanyang namamagang left shin.

Nagdagdag naman si point guard Ramon Sessions ng 17 points kasama ang isang 3-pointer na nagbigay sa Lakers ng six-point lead sa huling 26 segundo.

Nag-ambag naman si center Andrew Bynum ng 18 points at 11 rebounds para sa Lakers, gumamit ng isang 15-2 run sa gitna ng fourth quarter para burahin ang isang seven-point lead ng Hornets.

Kumolekta si Carl Landry ng 20 points at 11 rebounds, habang may 20 points si Marco Belinelli para sa New Orleans.

Nagtala naman si Greivis Vasquez ng 18 points at 11 assists para sa Hornets, samantalang may 16 points at 5 blocked shots si Kaman.

Sa Indianapolis, nagsanib ng puwersa sina Danny Granger at George Hill sa pagtapyas ng tig-18 puntos upang dalhin ang Pacers sa 103-98 tagumpay laban sa Toronto Raptors.

Sa iba pang laro, tinalo ng Memphis Grizzlies ang Clippers, 94-85; hiniya ng Oklahoma City Thunder ang Milwaukee Bucks, 109-89 at pinataob ng Orlando Magic ang Detroit Pistons sa iskor na 119-89.

ANDREW BYNUM

BRYANT

CARL LANDRY

CHRIS KAMAN

DANNY GRANGER

DETROIT PISTONS

GEORGE HILL

GREIVIS VASQUEZ

JASON SMITH

NEW ORLEANS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with