Roach kumuha ng Russian sparmate
MANILA, Philippines - Isang bagong sparmate ang kinuha ni trainer Freddie Roach para sa pag-eensayo ni Manny Pacquiao.
Si Ruslan Provodnikov ang makakasabayan ng Filipino world eight-division champion sa kanyang training camp na kanyang bubuksan sa Abril 16 kasama sina Roach, strength and conditioning coach Alex Ariza at dating world light welterweight titlist Amer Khan.
Paghahandaan ng 33-anyos na si Pacquiao ang 28-anyos na si Timothy Bradley, Jr. para sa kani-lang suntukan sa Hunyo 9 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Ang Russian fighter na si Provodnikov, isang 5-foot-6 at 28-anyos na boksingero ang pinaka-bagong alaga ng five-time Trainer of the Year awardee na si Roach.
Mananatili si Provodni-kov, isang light welterweight contender na may bitbit na 21-1-0 win-loss-draw ring record kasama ang 14 KOs, sa bansa hanggang sa May 5.
At pagkatapos ng ka-nilang pagsasanay sa Pilipinas ay magtutungo ang Team Pacquiao sa United States sa ikalawang linggo ng Mayo para ipagpatuloy ang kanilang ensayo sa Wild Card Boxing Gym ni Roach sa Hollywood, California.
“We can’t have a bad camp,” sabi ni Ariza sa magiging paghahanda ni Pacquiao kay Bradley. “His physical conditioning is very important. This must happen all the way.”
Itataya ni Pacquiao ang kanyang hawak na World Boxing Organization (WBO) welterweight belt kontra kay Bradley, ang kasalukuyang WBO light welterweight king.
“He’s (Bradley) a high-volume puncher who’ll come forward,” ani Ariza. “Bradley’s not a technical guy like (Juan Manuel])Marquez. He fights somewhat like Manny. That’s why I think it’ll be an explosive fight. It’s up to Manny how to prepare for Bradley. And against Bradley, he wants to prove something.”
- Latest
- Trending