^

PSN Palaro

Suarez may tsansa

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Umabante si lightweight Charly Suarez sa dalawang hakbang tungo sa pagsungkit sa puwesto sa London Olympics nang kanyang bugbugin si Abdylai Anarbay Ulu ng Kyrgyzstan, 14-5, sa pagpapatuloy ng Asian Olympic Qualifying boxing tournament sa Astana, Kazakhstan.

Ang 23-anyos na si Sua­rez na isang two-time SEA Games champion at sariwa sa pagsali sa World Series of Boxing suot ang uniporme ng Mumbai Figh­ters ng India, ay nagdikta mula sa simula hanggang sa matapos ang tatlong rounds para makausad na sa semifinals.

Tatangkain ni Suarez na marating ang cham­pionship round sa pag­ha­rap kay Daisuke Narimatsu ng Japan sa semifinals ngayong gabi.

Ang 22-anyos na si Narimatsu na isang two-time National champion, ay sumuntok sa 17-13 panalo laban kay Myrat Pazzyyev ng Turkmenistan.

Isang puwesto lamang ang ibinibigay sa Asia sa lightweight division sa London Games kaya’t ang lalabas na kampeon sa torneo lamang ang aabante.

“Mahirap ang dadaa­nan ni Charly pero kung may isang boksingero na kayang gawin ito, ito’y walang iba kundi si Charly mismo. Maganda ang kanyang kondisyon at motibasyon kaya kaun­ting suwerte lamang ang kailangan niya,” wika ni ABAP executive director Ed Picson.

Sakaling manalo pa, ang makakatapat ng tubong Davao na si Suarez ay ang mananalo sa pagitan nina Qiang Liu ng China at Suraki Al-Waaily ng Iraq.

Ang 29-anyos na si Liu, na silver medalist sa 2011 Asian Championships, ay nanalo laban kay Enkhzorig Zorigtbaatar ng Mon­golia, 15-12, habang ang 32-an­yos na si Al-Waaily na silver medalist ng Arab Games noong nakaraang taon ay umani ng 17-11 panalo laban kay Forootan Golara ng Iran.

Limang boksingero ang ipinadala ng ABAP para sa kompetisyong ito pero na­mahinga na sina Rey Saludar, Joegin Ladon, Dennis Galvan at Wilfredo Lopez.

Nais ng Pilipinas na may lumusot na pambansang boksingero upang may ma­kasama si light fly­weight Mark Anthony Bar­riga sa Olympics.

Walang laban noong Martes at tiyak na ginamit ito ni Suarez para hasain pa ang diskarteng gagamitin para pataubin si Narimatsu.

ABDYLAI ANARBAY ULU

ARAB GAMES

ASIAN CHAMPIONSHIPS

ASIAN OLYMPIC QUALIFYING

CHARLY

CHARLY SUAREZ

DAISUKE NARIMATSU

DENNIS GALVAN

SHY

SUAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with