^

PSN Palaro

Win no. 4 pakay ng Road Warriors vs Bakers

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Magpapakatatag pa ang mga koponang may winning record sa pagbabalik ng PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Unang sasalang ang nag­dedepensang NLEX sa Café France sa ganap na alas-12 ng tangha­li bago sumunod ang Jr. Powerade kontra sa Boracay Rum dakong alas-2 ng hapon.

Ikaapat na dikit na panalo ang nakataya sa Road Warriors sakaling manalo pa sa Bakers na may 1-2 baraha.

Bagamat solido ang ipinakikitang laro ng back-to-back titlist na NLEX, ayaw pa rin magkumpiyansa ni coach Boyet Fernandez at sabihing madaling laro ito.

“May kakayahan ang Café France na manalo sa kahit kaninong koponan. Ga­ling din sila sa dalawang sunod na talo kaya’t tiyak na gusto nilang bumawi ka­ya hindi kami dapat mag­pabaya,” ani Fernandez.

Ang Bakers ay dumapa sa kamay ng Big Chill at Cebuana Lhuillier at kailangan nilang magpakita ng ibayong laro lalo pa’t ang Road Warriors ay hindi lamang nakikitaan ng lakas sa opensa kundi maging sa depensa dahil nililimitahan lamang nila ang mga nakalaban sa 62 puntos.

Itala ang kauna-una­hang winning streak sa conference ang magpapa­alab pa sa laro ng Tigers kontra sa Waves na hanap na ma­kaisa matapos ang tatlong sunod na pagkatalo.

Papasok ang tropa ni coach Ricky Dandan mula sa 67-61 panalo sa rookie team na Cagayan Ri­sing Suns at aasa siyang patuloy na makikitaan ng intensidad ang kanyang bataan na manlalaro rin ng UP.

Hindi naman basta-bas­ta susuko ang Waves at gagawin nila ang lahat ng makakaya para makuha ang unang panalo at wa­ka­san ang pinakamasamang panimula sa tatlong confe­rence na pagsali sa liga.

ANG BAKERS

ANTIPOLO CITY

BIG CHILL

BORACAY RUM

BOYET FERNANDEZ

CAGAYAN RI

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

ROAD WARRIORS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with