^

PSN Palaro

Thunder pinataob ang Raptors

-

OKLAHOMA CITY--Nagposte si Kevin Durant ng 23 points at gumamit ang Oklahoma City ng isang 24-0 run sa third hanggang fourth quarter patungo sa kanilang 91-75 paggiba kontra sa Toronto Raptors.

Nagdagdag si James Harden ng 17 points at may 15 si Russell Westbrook na humakot din ng 6 assists at 6 rebounds para sa Oklahoma City, nasa ilalim ng San Antonio sa Western Conference.

Bagamat bumandera sa kabuuan ng laro ang Thunder, pinahirapan naman sila ng Raptors.

Nakadikit ang Toronto sa 55-58 agwat sa  6:05 sa third quarter bago umiskor ang Thunder ng 12 points, kasama dito ang three-point shot ni  Daequan Cook, upang iposte ang kanilang 70-55 bentahe sa pagtatapos nito.

Muling tumipa ng 12 points ang Oklahoma City sa pagsisimula ng fourth period para iwanan ang Toronto sa bisa ng isang 27-point lead.

Pinangunahan naman ni Jose Calderon ang Raptors mula sa kanyang  19 points kasunod ang 16 ni DeMar DeRozan.

 

vuukle comment

BAGAMAT

DAEQUAN COOK

JAMES HARDEN

JOSE CALDERON

KEVIN DURANT

OKLAHOMA CITY

RUSSELL WESTBROOK

SAN ANTONIO

TORONTO RAPTORS

WESTERN CONFERENCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with