^

PSN Palaro

Pinoy Cuppers may pinatunayan sa pagwalis sa Pakistan

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Handang-handa na ang Pilipinas na bumangon kung sa larong tennis ang pag-uusapan.

Ang pagkakaroon ng mas maraming players at ang 5-0 sweep na naitala ng Ph Davis Cuppers sa Pacific Oceania at Pakis­tan sa Asia Oceania Zone Group II ties ay patunay na unti-unti nang lumalakas uli ang tennis ng bansa.

“It looks good for now. Dati, we’re use to seeing only two players playing. Ngayon apat na iyan at problema nga kung sino ang ila-line-up. But that’s a good problem,” wika ni non-playing team captain Roland Kraut.

Sina Treat Huey at Ru­ben Gonzales na mga Fil-Ams at nasa 25-anyos ang mga edad, ang na­ngu­nguna sa koponan pero hindi nagpapahuli ang iba pang kasapi tulad nina Jeson Patrombon, Francis Casey Alcantara at kahit ang batang si Jurence Mendoza.

“We have young pla­yers with Jeson, Nino and Jurence. Everything looks good for us,” dagdag pa nito.

Nasa Finals na ang Pi­lipinas sa Group II at sa­sagupain ang Indonesia para sa puwesto sa Group I sa 2013.

Bumangon ang host Indonesia mula sa 1-2 iskor nang manalo sina Christo­pher Rungkat at Wisnu Adi Nugroho sa reversed singles noong Linggo.

Ang SEA Games triple gold medalists na si Rungkat ay nanaig kay Danai Udomchoke, 6-2, 6-2, 0-6, 4-6, 6-1, habang si Nugroho ay nangibabaw kay Kittiphong Wachiramanowong, 7-6 (6), 6-4, 6-2, tungo sa 3-2 panalo.

 Dayo ang Pilipinas sa finals na itinakda mula Setyembre 14 hanggang 16 pero buo ang loob ni Kraut na makakapagbigay ng magandang laban ang ipadadalang koponan.

Siyam na beses ng nagkita ang Pilipinas at Indonesia sa Davis Cup at angat ang huli sa 5-4 nang nagwagi sa huling pagtutuos noong 2000 sa Rizal Memorial Tennis Center.

Pero 2-2 lamang ang karta ng Indons kapag ang tie ay ginagawa sa ka­nilang bansa na nagbibigay liwa­nag sa posibleng positibong resulta sa napipintong bakbakan ng pambansang ko­ponan.

ASIA OCEANIA ZONE GROUP

DANAI UDOMCHOKE

DAVIS CUP

FRANCIS CASEY ALCANTARA

GROUP I

JESON PATROMBON

JURENCE MENDOZA

KITTIPHONG WACHIRAMANOWONG

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with