^

PSN Palaro

Suarez huling baraha ng ABAP para sa London Olympics

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Buo ang paniniwala ng pamunuan ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) sa kakayahan ni Charly Suarez sa inaasam na puwesto sa London Olympics.

Si Suarez na lumalaban sa lightweight, ang na­tatanging panlaban ng Pilipinas sa Asian Olympic Qualifying tournament sa Astana, Kazakhstan ma­tapos mamahinga na sina Rey Saludar, Dennis Gal­van, Joegin Ladon at Wil­fredo Lopez.

Nasa quarterfinals na si Suarez at hinarap kagabi si Abdlay Anarbai Uulu ng Kyrgyzstan para sa puwesto sa semifinals.

Tanging ang gold me­dalist lamang sa 60-kilogram division ang mabibigyan ng puwesto sa Olympics kaya’t dalawang laban pa ang kailangang suungin ng tubong Davao na si Sua­rez para umabante.

“We’ve got a seasoned campaigner in Charly and he’s coming off a sensatio­nal stint in the World Series of Boxing. He has a tough task because he needs to win the gold medal to qualify for the Olympics. But if there’s one guy who can pull it off, it’s Charly,” wika ni ABAP executive director Ed Picson.

 Tanggap din ni Picson ang pagkatalo ng apat na iba pang inilaban at ito ay dahil sa matinding kalidad ng mga nakaharap bunga ng kawalan ng suwerte sa draw.

 Si Saludar ay natulog sa second round laban kay Tugstsogt Nayambayar ng Mongolia sa flyweight, si Galvan ay yumukod kay Kim Chol Song ng North Korea, 8-18, sa light welterweight si Wilfredo Lopez ay talunan kay Qiong Maitituersen ng China, 10-20, sa welterweight habang si Ladon ay lumasap ng 8-13 pagkatalo kay Zhang Jiawei ng China sa bantamweight.

 Anuman ang mangyari sa ginagawang kampanya, tiniyak din ni Picson na patuloy na gagawa ng mga programa ang ABAP sa hangaring makasabay sa paglakas ng ibang bansa.

Samantala, nasa As­ta­na na rin sina ABAP pre­sident Ricky Vargas at secretary-general Patrick Gregorio para dumalo sa Extraordinary General Assembly ng Asian Boxing Confederation meeting nga­yon.

ABDLAY ANARBAI UULU

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ASIAN BOXING CONFEDERATION

ASIAN OLYMPIC QUALIFYING

CHARLY

CHARLY SUAREZ

DENNIS GAL

ED PICSON

EXTRAORDINARY GENERAL ASSEMBLY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with