Arcilla, Alcantara binokya ang Pakistan
MANILA, Philippines - Hanggang sa huli ay hindi pinatikim ng panalo ng Pilipinas ang Pakistan sa Asia-Oceania Zone Group II Davis Cup semifinals na nagtapos kahapon sa Philippine Columbian Association (PCA) shell court sa Plaza Dilao, Paco, Manila.
Ipinakita ni Francis Casey Alcantara ang kalidad ng laro nang iuwi ang 6-2, 6-1, panalo kay Muhammad Abid bago sumunod si Johnny Arcilla na kinuha ang ikalawang panalo sa tie gamit ang 6-3, 6-4, panalo kay Jalil Khan para ibigay sa host country ang 5-0 panalo.
Tunay na dinomina ng Pilipinas na kinabilanganan din ng mga Fil-Ams na sina Treat Huey at Ruben Gonza-les, ang kalaban dahil hindi rin natalo kahit ng isang set ang koponan.
Ang panalo ni Alcantara ay ikalawa sa apat na singles matches na nilaro sa Davis Cup at naibangon din niya ang sarili matapos lumasap ng 6-1, 6-7 (8), 3-6, pagka-talo kay Jalil Khan noong 2009 sa nasabi ring venue.
Sunod na kakaharapin ng koponan ay ang mana-nalo sa pagitan ng Thailand at Indonesia sa finals na itinakda mula Setyembre 14 hanggang 16.
Dayo ang Pilipinas sa labang ito pero naniniwala si Kraut na may ibubuga ang koponang ilalaban sa finals na magdedetermina kung sino ang aabante sa Group I sa 2013.
Bigo man, ang Pakistani ay mananatili pa rin sa Group II sa susunod na taon.
- Latest
- Trending