MANILA, Philippines - Ang Barako Bull ang hahamon sa No. 1 at nagdedepensang Talk ‘N Text, habang ang B-Meg ang sasagupa sa No. 2 Barangay Ginebra sa best-of-five semifinals series na magsisimula bukas.
Ito ay matapos ilampaso ng Energy ang Alaska Aces, 106-85, at talunin ng Llamados ang Meralco Bolts, 86-76, sa Game Three para tapusin ang kani-kanilang best-of-three quarterfinals showdown sa 2-1 sa 2012 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart-Araneta Coliseum.
Humakot ang 6-foot-4 at two-time PBA Best Import na si Gabe Freeman ng 34 points at 19 rebounds para igiya ang Barako Bull sa semifinals.
“Freeman recovered from jetlag,” sabi ni Barako Bull coach Junel Baculi sa kapalit ni Rodney White. “He gives us energy that’s what Barako is all about.”
Mula sa 25-24 lamang sa first period ay pinalobo ng Energy ang kanilang bentahe sa halftime, 55-42, patungo sa pagbaon sa Aces sa pamamagitan ng isang 15-point lead, 78-63, sa third quarter.
Nagdagdag sina two-time PBA Most Valuable Player Willie Miller at Ronald Tubid ng tig-20 markers para sa Barako Bull kasunod ang 12 ni Danny Seigle at 10 ni Leo Najorda.
Tumapos si import Adam Parada na may 18 points.
Barako Bull 106 - Freeman 34, Tubid 20, Miller 20, Seigle 12, Najorda 10, Pennisi 3, Arboleda 3, Allado 2, Peña 2, Salvador 0.
Alaska 85 - Parada 18, Baguio 14, Reyes 13, Baracael 12, Custodio 9, Tenorio 9, Thoss 6, Eman 2, Gonzales 2, Salamat 0, Gelig 0.
Quarterscores: 25-24; 55-42; 78-63; 106-85.
B-Meg 86 - Bowles 28, Simon 16, Devance 15, Yap 9, Barroca 6, Pingris 6, Intal 2, Reavis 2, De Ocampo 2, Urbiztondo 0, Villanueva 0.
Meralco 76 - Mercado 27, Barron 23, Hugnatan 10, Ross 9, Macapagal 3, Cardona 2, Taulava 2, Borboran 0, Artadi 0.
Quarterscores: 21-23; 42-40; 61-67; 86-76.