MANILA, Philippines - Muling nakuha ng Philippine Army ang kampeonato sa men’s division ng dragon boat competition sa 2012 Manila Bay Seasports Festival na ginanap kamakailan.
Ang Triton naman ang nagwagi sa women’s division, at ang PDRT Fireblades ang nanguna sa mixed division.
Nakamit naman ng mga batikang bangkero mula La Union at Iloilo ang kampeonato sa karera ng mga bangka. Si Daniel Carrera ng Agoo, lulan ang kanyang bangkang “Alkoholik” ang nagwagi sa Formula Race, habang si Jefferson Abad naman na piloto ng “Shaine” ang nanalo sa Stock Race.
Ang Manila Bay Seasports Festival ay handog ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, Smart Communications, Caltex, Sugus, Ginebra San Miguel, Cobra Energy Drink, M. Lhullier, So Lucky Crackers, H2O Hotel, Cord Marine Epoxy at Harbor View Restaurant.