Alcala papalo sa finals ng Italian Jr. badminton Int'l

MANILA, Philippines - Tinalo ni Malvinne Ann Alcala si Isabella Nielsen ng Denmark, 20-22, 21-11, 21-14, patungo sa finals ng II Italian Junior Badminton International sa Milano, Italy noong Linggo.

Hangad ni Alcala, natalo kay Korean ace Jang Mi Lee sa finals ng German Juniors International 2012 sa Berlin noong Marso, ang kanyang unang international title.

Nakatakdang harapin ng second seed na Filipina, ang back-to-back winner ng Singapore Youth International, si top seed Anna Thea Madsen ng Denmark para sa korona sa Pala Badminton Arena.

Nakakuha si Alcala, ang two-leg winner sa 2011 PBaRS (Philippine Badminton Ranking System) four-stage circuit, ng bye sa opening round bago talunin si Russian Natalia Rogova, 21-14, 21-14, sa Last 32 phase.

Binigo naman niya si Sara Ortvang ng Denmark, 21-19 19-21 21-16, patungo sa quarterfinals

Show comments