^

PSN Palaro

ABAP kumpiyansa sa 6 na boxers sa Astana

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Mataas ang paniniwala ng Amateur Boxing Asso­ciation of the Philippines (ABAP) na madadagdagan pa ang pambansang boksingero na lalaro sa London Olympics.

Sina flyweight Rey Saludar, bantamweight Joegin Ladon, lightweight Charly Suarez, light welterweight Dennis Galvan at welterweight Wilfredo Lopez ang mga tinapik ng ABAP upang siyang magtangka na makakuha ng puwesto sa Olympics sa idaraos na Asian Olympic Quali­fying tournament sa Astana, Kazakhstan mula Abril 5 hanggang 13.

Sa ngayon ay si light flyweight Mark Anthony Barriga pa lamang ang opisyal na naipasok ng Pilipinas sa London Games nang tumapos sa ikatlong puwesto ang 18-anyos na boksingero sa World Amateur Boxing Championships sa Baku, Ajerbaijan noong nakaraang taon.

Mas magaan ang rutang tatahakin patungong London ni Asian Games gold medalist Saludar at 26th SEA Games gold medalist Dennis Galvan dahil apat na boksingero ang kukunin sa kanilang dibisyon.

Mangangahulugan na kailangan lamang nilang umabot ng semifinals para makalaro sa Olympics.

Si Suarez ang may pinakamabigat na misyon dahil ang gold medalist lamang sa 60-kilogram division ang uusad sa London.

AMATEUR BOXING ASSO

ASIAN GAMES

ASIAN OLYMPIC QUALI

CHARLY SUAREZ

DENNIS GALVAN

JOEGIN LADON

LONDON GAMES

LONDON OLYMPICS

MARK ANTHONY BARRIGA

REY SALUDAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with