MANILA, Philippines - Kagaya ng inaasahan, muling nagbuhat ng kanyang sariling silya si Timothy Bradley, Jr.
Sa panayam ng RingTV.com, sinabi ng American challenger na dapat siyang ibahin ni Manny Pacquiao sa mga nakalaban nito.
“When I’m in the ring, I’m in there to seek and destroy, and that’s the difference between me and other fighters,” wika ng 28-anyos na si Bradley na hahamunin ang 33-anyos na si Pacquiao para sa suot nitong World Boxing Organization (WBO) welterweight crown sa Hunyo 9 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Hindi pa natatalo si Pacquiao sapul noong 2005 kung saan siya binigo ni Erik Morales sa kanilang unang pagtatagpo noong Marso at hangad ni Bradley na siya ang magpapalasap nito sa Filipino world eight-division champion.
Ngunit malaki pa din ang kanyang respeto sa Sarangani Congressman.
“I respect Pacquiao. I respect Pacquiao just like I respect every fighter. I respected (Joel) Casamayor like I respect Pacquiao. I give the same respect to every fighter that I get into the ring with,” ani Bradley, tinalo si Casamayor sa undercard ng ikatlong laban nina Pacquiao at Juan Manuel Marquez noong Nobyembre ng 2012.
“Manny Pacquiao has a bigger reputation. But I respect him like I do Casamayor, because Pacquiao has two hands and two feet just like I do,” dagdag pa ni Bradley.
Kumpara sa naging laban ni Pacquiao kay Sugar Shane Mosley noong Mayo ng 2011 kung saan nagtatapikan ng boxing gloves ang dalawa bago magpalitan ng suntok, sinabi naman ni Bradley na hindi niya gagawin ito sa gabi ng kanilang upakan ni ‘Pacman’.
“I’m not going to keep shaking hands with him. I shake hands with him in the beginning. That’s what we do in the beginning,” wika ni Bradley, isang 3-1 underdog sa kanilang laban ni Pacquiao.
Kumpiyansa din ang American boxer na maisasama sa boxing history ang kanilang laban ni Pacquiao.
Nakatakdang simulan nina Pacquiao at Bradley ang kani-kanilang pag-eensayo ngayong buwan.