MANILA, Philippines - Napanatili ng Alabang Tigers ang kanilang porma upang makita ang sarili na nasa solo unang puwesto sa pagpapatuloy kahapon ng Season 9 ng Baseball Philippines sa Rizal Memorial Diamond.
Humugot ng puwersa ang Tigers sa relief pitcher na si Carlos Laurel na nilimitahan lamang sa tatlong hits at isang runs ang Dumaguete Unibikers upang mabalewala ang 0-5 iskor matapos ang tatlo at kalahating innings at manalo sa 10-6.
Ang three-run double ni Amber Plaza ang nakatulong sa four runs na ginawa ng Unibikers sa top of the third inning para sa 5-0 kalamangan
Pero hindi na nakaporma ang Unibikers na naunang nanalo sa Cebu noong Sabado, habang ang mga kapatid ni Carlos na sina Jay at Matt Laurel ay nagsanib sa tatlong RBIs para katampukan ang 10 runs.
Natalo naman ang three-time defending champion Manila Sharks kontra sa Cebu Dolphins, 7-12, sa unang laro.