^

PSN Palaro

Bryant inilusot ang Lakers; Duncan nagbida sa Spurs

-

LOS ANGELES — Habang may natitira pang oras sa laban ay may ma­gagawa pang himala si Ko­be Bryant at kahit na ma­lamya pa ang kan­yang laro.

Nagsalpak si Bryant ng isang 3-pointer sa natitirang 20 segundo matapos imintis ang una niyang 15 ti­ra para tulungan ang Los An­­geles Lakers sa 88-85 pag­lusot laban sa New Or­leans Hornets.

Ito ang pangatlong fieldgoal lamang ni Bryant sa ka­buuan ng laro para sa kan­yang 11 points mula sa masamang 3-of-21 fieldgoal shooting.

Tinapos ng Lakers ang kanilang two-game skid sa Staples Center.

Humakot si Pau Gasol ng 21 points at 11 rebounds para sa Lakers, habang may 19 points at 10 boards si Bynum at nag-am­bag si Ra­mon Sessions ng 10 points at 10 assists.

Naglista si Bryant ng 0-for-7 clip sa 3-point line ba­go niya isalpak ang isang tres.

“I’m stubborn. You have to have that kind of attitude, that kind of determination or stubbornness,” ani Bryant. “That’s what gets teams over the hump to win multiple championships.”

Nagposte naman si Jar­rett Jack ng 18 points at 10 assists para sa Hornets sa kabila ng iniindang sprained right ankle injury.

Naimintis niya ang kanyang go-ahead bank shot sa huling 4.9 segundo.

Iniwanan ng Hornets ang Lakers, 65-75, bago isal­pak ni Bryant ang isang 17-foot jumper laban kay Mar­co Belinelli sa 7:52 sa fourth quarter para sa una ni­yang fieldgoal.

Sa San Antonio, huma­kot si Tim Duncan ng 3 points at 11 rebounds para igi­ya ang Spurs sa 112-103 tagumpay laban sa Indiana Pa­cers.

Ang Spurs ang pinakamainit na koponan ngayon sa NBA mula sa kanilang pang pitong sunod na pana­lo at pang 10 sa huli nilang 11 laro.

Ito naman ang ikaapat na double-double ni Duncan sa kanyang huling anim na laro.

ANG SPURS

BRYANT

INDIANA PA

LOS AN

NEW OR

PAU GASOL

SA SAN ANTONIO

SHY

STAPLES CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with