Barako, Meralco Kinuha Ang 1-0 Lead

MANILA, Philippines - Bumangon ang Energy mula sa isang 14-point deficit sa first period para makalapit sa inaasam na kauna-una­hang semifinals appearance sa ilalim ni coach Junel Baculi.

Sa pamumuno nina two-time PBA Most Valuable Pla­yer Wil­lie Miller at Danny Seigle sa final canto, tinalo ng Ba­rako Bull ang Alaska, 103-90, sa Game One ng kanilang best-of-three quarterfinals series para sa 2012 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart-Araneta Coliseum.

Sa ikalawang laro, tinalo naman ng Meralco ang B-Meg, 103-81, para sa kanilang 1-0 bentahe sa serye.

Napatalsik si Llamados’ mentor Tim Cone sa huling 4:09 ng fourth quarter dahil sa kanyang technical fouls kung saan angat ang Bolts sa 94-77.

Bagamat hindi nakakuha ng solidong numero mula sa bagong import na si 6-foot-10 Chukwunike Okosa, pu­­malit kay Rodney White, nakuha pa rin ng Energy ang 1-0 abante sa kanilang serye ng Aces.

“We don’t want to take away anything from these ve­­terans. I told them it’s time for you to shine,” sabi ni Baculi ki­na Miller, Seigle, Leo Najorda, Don Allado, Dorian Peña at Ro­­nald Tubid.

Nagtumpok si Tubid ng game-high 24 points kasunod ang 21 ni Seigle, 16 ni Don Allado, 14 ni Miller, 12 ni Najorda at 8 ni Peña.

Mula sa 20-6 bentahe ng Alaska sa 5:25 ng first period, nag­tuwang sina Miller, Seigle, Tubid, Najorda at Allado para sa 63-58 lamang ng Barako Bull sa 5:23 ng third quarter.

Nakadikit ang Aces sa 77-79 buhat sa three-point shot ni Cyrus Baguio sa pagbungad ng final canto kasunod ang isang 16-3 atake ng Energy upang iposte ang 95-80 ben­tahe sa huling 2:19 nito.

Tumapos si Baguio na may 20 markers para sa Alaska ka­sunod ang 19 ni LA Tenorio, 18 ni Mac Baracael, 11 ni import Adam Parada at 10 ni Sonny Thoss.

Barako Bull 103 - Tubid 24, Seigle 21, Allado 16, Miller 14, Najorda 12, Peña 8, Arboleda 6, Gatumbato 2, Okosa 0, Weinstein 0, Pennisi 0.

Alaska 90 - Baguio 20, Tenorio 19, Baracael 18, Parada 11, Thoss 10, Custodio 8, Eman 2, Gonzales 2, Salamat 0, Bugia 0.

Quarterscores: 17-27; 48-47; 79-74; 103-90.

Meralco 103 - Barron 34, Cardona 22, Ross 12, Taulava 12, Mercado 10, Macapagal 8, Hugnatan 5, Timberlake 0, Borboran 0.

B-Meg 81 - Yap 21, Bowles 18, Simon 12, Devance 9, Urbiztondo 5, De Ocampo 5, Pingris 4, Barroca 3, Intal 2, Reavis 2, Burtscher 0, Villanueva 0.

Quarterscores: 32-19; 54-38; 77-69; 103-81.

Show comments