Paddle dwellers sasabak sa paluan ngayon
MANILA, Philippines - Mga pambatong table tennis players mula sa iba’t-ibang rehiyon ang magpapasikat sa loob ng apat na araw sa pagtakbo ngayon ng 4th Philippine National Open and Inter-Scholastics Table Tennis Championships sa UP Gym sa Diliman, Quezon City.
Tampok na tagisan ay sa elite division dahil kasali rito ang mga national players pero hindi pahuhuli ang mga labanan sa high school at collegiate dahil kasali rito ang mga ipinagmamalaking manlalaro ng iba’t ibang paaralan.
Si Senator Antonio Trillanes IV ang siyang magiging panauhing pandangal sa simpleng opening ceremony sa ganap na alas-9 ng umaga sa kompetisyong inorganisa ng Table Tennis Association of the Philippines (TATAP) at handog ng Smart bukod sa ayuda ng San Miguel Properties, Green Paddle at Top Coms.
Si Jose Ortalla Jr. ang siyang tatayo bilang tournament director at kanyang sinabi na maliban sa nakagawiang tagisan gamit ang rubberized paddles, magdaraos din ng aksyon sa liha o sandpaper racket na kung saan pinauso ito sa mundo ng Pilipinas.
- Latest
- Trending