FIFA at Ph football program patuloy na susuportahan ng Smart
MANILA, Philippines - Makakatanggap ang mga tumatangkilik sa Smart ng mga mensahe o resulta ng laro sa football.
Ito ay matapos ihayag ni Smart Chief Wireless Advision Orlando B. Vea ang patuloy na pagsuporta sa mga programa ng Federation Internationale de Football Association (FIFA) at Philippine Football Federation sa pagpupulong na nangyari sa tatlong organisasyon kamakailan.
“Filipinos can maximize their tremendous potential to be part of this global sport,” wika ni Vea.
“We are committed to supporting the PFF, the FIFA-affiliated football governing body in the country and would like to see it grow beyond its current development stage. Play more, live more!” dagdag ni Vea.
Si FIFA Management Consultant Brendan Mewton ang kumatawan sa world football body at pinasalamatan niya ang paglaki ng suporta sa number one sport sa mundo ng Smart.
Sa plano, gagamitin ng Smart ang kanilang Infoboard solution upang makatanggap at makapagpamahagi ng mga kalatas patungkol sa advisories, resulta ng mga laro sa bansa at sa labas ng bansa at iba pang balita sa mga Smart cell phone subscribers.
Ang nasabing kumpanya na pag-aari ni Manuel V. Pangilinan ay siyang pangunahing nagtataguyod sa sport bukod pa sa pagiging sponsor ng national team na Philippine Azkals na kamakailan ay tumapos sa makasaysayang ikatlong puwesto sa AFC Challenge Cup.
- Latest
- Trending