Milo Checkmate clinic sa Dagupan

MANILA, Philippines - Sisimulan ang unang pro­vincial sorties ng Milo-sponsored Checkmate summer chess clinics sa Dagupan City sa Abril 1 at magtutungo sa Cabuyao, Laguna at San Pablo City sa Abril 10 bago lumipat sa Tarlac sa Abril 13.

Ang mga eksaktong lo­kasyon ng chess clinics ay sa Nepo Mall, Dagupan (Apr 1-3 at 10am - 5:30pm); Angels in Heaven School at #138 Bonifacio St., Ca­buyao (Apr. 10 -12 at 8:30am-4:30pm); Ultimart Shopping Plaza at M. Paulino St., San Pablo (Apr. 10 - 12 at 9:30am - 5:30pm) at P.O. Domingo Montessori School at Poblacion Sur, Paniqui, Tarlac (Apr. 13 - 15 at 8:30am-4:30pm).

 Ang mga mananalo ay tatanggap ng medalya at Certificates of Participation para sa lahat ng ka­lahok.

Ang lahat ng summer enrollees ay maaaring ma­kasali sa mga pagpipilian para sa Team Checkmate na maglalaro sa US, Cana­da at Australia.

Show comments