Bakbakang The Rock at John Cena mapapanood sa Studio 23

MANILA, Philippines - Magaganap na ang pi­nakaaabangang pagsasa­gupa nina The Rock at John Cena sa Martes sa ‘Wrestlemania 28’ na mapapanood ng eksklusibo sa Studio 23 na espesyal na handog ng Kabarkada Network sa alas-9:30 ng gabi.

Mayroon ding via sa­te­llite screening ng Wrestlemania sa Trinoma Activity Center sa Lunes (Apr 2) na libre, maglog-in lang sa www.studio23.tv at mag-register para makakuha ng ticket.

Magtutuos din sa naturang event sina Undertaker at Triple H; Team Teddy at Team Johnny; WWE champion CM Punk at Chris Jericho; World heavyweight champion Daniel Bryan at Sheamus; Intercontinental champion Cody Rhodes at Bigshaw; Randy Orton at Kane; Divas champion Beth Phoenix kasama si Eve at Kelly Kelly kasama si Maria Menounos.

Matapos ang matagal nang iringan, pasaringan, makakaharap na rin sa wakas ni The Rock si Cena na kilala ring ‘The Cenation Commander in Chief.’

Show comments