^

PSN Palaro

Yao at Shanghai Sharks sasagupa sa Smart Gilas II

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Matapos sina NBA superstars Kobe Bryant, Kevin Durant, Chris Paul at Derek Rose, ang retirado namang si Chinese 7-foot-6 center Yao Ming ang posibleng bumisita sa Pilipinas.

Ito ang isiniwalat kahapon ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia sa kanyang pakikipag-usap sa ilang miyembro ng Shanghai Sharks at sa Sports Ministry of China.

Nakausap na ni Garcia ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa dalawang exhibition games ng Shanghai Sharks ni Yao sa Smart Gilas II ni coach Chot Reyes.

“I will be setting an appointment with the PBA regarding sa dalawang teams na puwedeng makalaro ng Shanghai Sharks,” sabi ni Garcia sa naturang Chinese team na miyembro ng Chinese Baketball Association (CBA).

Bumiyahe si Garcia sa China kamakailan para sa isang Memorandum of Understanding sa Sports Ministry ng China.

Inaasahan ni Garcia na maisasama ng Shanghai Sharks ang 31-anyos na si Yao, isang eight-time NBA All-Star at ang 2002 first overall pick ng Houston Rockets, sa kanilang pagbisita sa bansa.

Binili ni Yao ang Shanghai Sharks, una niyang nila­ruan sa edad na 17-anyos kung saan siya nagposte ng mga averages na 10 points at 8 rebounds per game, noong Hulyo 16, 2009.

Nagretiro si Yao, isang three-time Most Valuable Player ng FIBA-Asia Men's Championships, sa NBA para sa koponan ng Houston Rockets noong Hulyo 20, 2011 dahil sa kanyang pabalik-balik na foot at ankle injury.  

ASIA MEN

CHINESE BAKETBALL ASSOCIATION

CHOT REYES

CHRIS PAUL

DEREK ROSE

GARCIA

HOUSTON ROCKETS

HULYO

SHANGHAI SHARKS

YAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with