Bubuo sa 16-man RP pool pinangalanan na
MANILA, Philippines - Inilabas na kahapon ni Smart Gilas II head coach Chot Reyes ang kanyang 16-man national training pool na makakatuwang niya sa isang two-year program patungo sa inaasam na tiket sa 2014 FIBA World Championships sa Spain.
Ang mga nasa point guard position ay sina Jimmy Alapag at Jayson Castro ng Talk 'N Text, Alex Cabagnot ng Petron Blaze at LA Tenorio ng Alaska, habang ang mga off-guards naman ay sina Gary David at Marcio Lassiter ng Powerade, Ryan Reyes ng Talk 'N Text at two-time PBA Most Valuable Player James Yap ng B-Meg.
Ang mga lalaro sa small forward ay sina Larry Fonacier ng Talk 'N Text, Gabe Norwood ng Rain or Shine at Arwind Santos ng Petron Blaze, samantalang sina Ranidel de Ocampo at Kelly Williams ng Talk 'N Text at Marc Pingris ng B-Meg ang nasa power forward.
Sina Sonny Thoss ng Alaska at Rico Villanueva ng Barangay Ginebra ang mga tatayong sentro.
Makakatuwang ng Gilas II si NBA player Javale McGee para sa kanilang kampanya sa 2013 FIBA-Asia Championship na siyang regional qualifying event para sa 2014 World Championships bukod pa kay naturalized Marcus Douthit.
Ang naturalization papers ng 7-foot-2 na si McGee ay itinutulak na sa Kongreso.
Sasabak ang Gilas II sa Jones Cup sa Chinese-Taipei sa Agosto at sa FIBA-Asia Stankovic Cup sa Tok-yo, Japan sa Setyembre bago ilabas ni Reyes ang kanyang final line-up.
Hindi humugot si Reyes, bibitawan ang Talk 'N Text pagkatapos ng 37th PBA season at ipapasa ito kay Norman Black, ng players mula sa Barako Bull, Air21 at Meralco.
- Latest
- Trending