Sharks bubuksan ang kampanya vs Dolphins sa BP Season 9

MANILA, Philippines - Balik-aksyon na ang Baseball Philippines nga­yong linggo sa Rizal Memorial Baseball Field.

 Sa Marso 31 opisyal na itataas ang telon ng Season 9 ng liga na katatampukan pa rin ng tagisan sa hanay ng anim na koponan.

Mangunguna rito ang three-peat champion Manila Sharks ng Harbour Cen­tre habang ang iba pang kasali ay ang Cebu Dolphins, Batangas Bulls, Alabang Tigers, Taguig Pa­triots at Dumaguete Unibikers.

 Unang laro sa Sabado ay Tigers kontra Bulls (8 am), Patriots laban sa Sharks (11 am) at Dolphins laban sa Unibikers (2pm).

Iinit pa ang tagisan sa Linggo dahil magkikita ang naglaban sa finals sa Season 8 na Sharks at Dol­phins sa alas-8 ng umaga na susundan ng bak­bakan ng Unibikers at Tigers (11am) at Bulls at Patriots (2pm)

Habang ang unang da­lawang aksyon ay gagawin sa makasaysayang venue, ang mga susunod na laro sa eliminasyon hanggang Playoffs ay lalaruin sa Clark Field sa Pampanga.

Show comments