PBA AKTV clinic sa QC dinagsa ng mga kabataan
MANILA, Philippines - Prayoridad ni Julian Coseteng, konsehal ng ikatlong distrito ng Quezon City, ang pag-unlad ng kabataan sa lungsod.
Sa pakikipagtulungan ng Philippine Basketball Association (PBA) at AKTV, nagdaos ng basketball clinic para sa kabataan ang konsehal noong Marso 25 sa covered court ng Brgy. Socorro.
Tumayong coach sina Asi Taulava, Yusf Aljamal at Brian Faundo ng Meralco at Ogie Menor ng Air21 sa higit 700 mga kabataan mula sa Brgy. Silangan, E. Rodriguez, Camp Aguinaldo, at San Roque.
Ang PBA on AKTV commentator na si Chiqui Reyes ang naging host ng kaganapan na siyang grassroots program ng AKTV upang dalhin ang PBA sa mga barangay. Ang AKTV ang sports news portal ng TV5 kung saan ipinapalabas ang mga laro ng PBA sa 2011-2012 season.
Bago isagawa ng clinic, pinasinayaan ni Coseteng ang bagong pinturang covered court ng Old Balara sa Tandang Sora. Ang pagpipintura nito ay isa pa ring proyekto para sa kabataan ni Coseteng, isang aminadong tagahanga ng PBA at apo ng isa sa mga pundador ng PBA Mariwasa. Nang sumunod na araw, pinasinayaan naman ni Coseteng ang covered court ng Camp General Emilio Aguinaldo High School na pinagawa niya.
Dumalo sa pagpapasinaya sina Mayor Herbert Bautista, Vice Mayor Joy Belmonte, Congressman Bolet Banal at Brgy. Capt. Gregory Tolentino na pinaghandaan naman ni Dr. Chynthia Vidal at mga guro ng paraalan.
- Latest
- Trending