White lumipad pabalik ng Amerika, Okosa kinuhang kapalit para palakasin ang Red Bull
MANILA, Philippines - Dahil sa malubhang kondisyon ng kanyang ama, pinayagan ng Barako Bull si import Rodney White na umuwi sa United States.
Pansamantalang inilagay ang 6-foot-10 na si White sa injury/reserve list dahil sa pangako nitong babalik sa bansa bago ang simula ng quarterfinal round ng 2012 PBA Commissioner’s Cup sa Linggo.
Ito ay kung makakapasok ang Energy sa quarterfinals.
Ang 6’10 ding si Reggie Okosa, isang Nigerian-American na naglaro sa mga liga sa Korea at Japan, ang siyang papalit kay White.
“We are saddened by this development as Rodney (White) is a true pro and has played very well, carrying the team to a 3-2 record,” sabi ni Barako Bull basketball operations head Michael Johnson Chua.
“Unfortunately we have to grant him his release at this very crucial time because of this development,” dagdag pa ng opisyal.
Si Okosa ang ikatlong reinforcement ng Barako Bull matapos sina DeMar Johnson at White.
Siya ay kumampanya sa Korean Basketball League para sa Sonic Boom KT at maging sa pro league sa Japan para sa Okinawa GK.
Isinara ng Barako Bull ang kanilang kampanya sa elimination round taglay ang apat na panalo at limang talo sa siyam na laro.
Makakapasok ang Barako Bull sa quarterfinals kung mananalo ang Barangay Ginebra sa sibak nang Air21 bukas.
- Latest
- Trending