^

PSN Palaro

Bronze Sa Pinay Boxers

-

ULAAN BAATAR, Mongolia - Nagkasya na lamang sa bronze medal sina flyweight Alice Kate Aparri at bantamweight Nesthy Petecio ng PLDT-ABAP Na­tional Team matapos matalo sa kani-kanilang semifinals matches sa 6th Asian Women’s Boxing Championships dito sa Buyant Ukhaa Sports Pa­lace.

Yumukod si Aparri kay five-time world champion Mery Kom ng India, 6-21, sa flyweight division mula na din sa pananakit ng kan­yang tiyan at sobrang ka­paguran.

Ito ang unang kabiguan ni Aparri ng Baguio City matapos ang tatlong sunod na panalo sa torneo.

Sinamantala ni Kom, sinuportahan ng mala­king Indian contingent, ang masamang pakiramdam ni Aparri papunta sa gold medal round.

Natalo din si Petecio sa kaniyang semifinal match kay Keija Luo ng China sa bantamweight class ma­karaang malasap ang 5-10 kabiguan.

Tig-pitong boksingero ang naipasok ng India at China sa finals sa 10 weight classes.

May tig-dalawang fina­lists ang host Mongolia at Kazakhstan at may tig-isa naman ang Tajikistan at Thailand.

ALICE KATE APARRI

APARRI

ASIAN WOMEN

BAGUIO CITY

BOXING CHAMPIONSHIPS

BUYANT UKHAA SPORTS PA

KEIJA LUO

MERY KOM

NESTHY PETECIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with