^

PSN Palaro

Mexican boxer pinatulog ni Banal

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Hindi na pinagtagal ni AJ Banal ang mga ma­nonood sa kanilang upuan nang patulugin agad sa first round si Raul Hidalgo ng Me­xico upang mapanati­ling suot ang WBO Asia Pacific bantamweight title na itinaya noong Sabado ng gabi sa Pacific Grand Ballroom ng Waterfront-Cebu City Hotel and Casino.

Isang malakas na kaliwang cross na nagpalambot sa tuhod ni Hidalgo at agad na pumasok si re­feree Danrex Tapdasan at itinigil agad ang laban may 2:29 sa orasan.

“When the safety of one boxer is in jeopardy, entertainment should yield and take a backseat,” wika ni Tapdasan sa desisyong tapusin agad ang laban.

Ito ang ika-27 panalo sa 29 laban ng 23 anyos na si Banal na mayroon ding 20 KO. May 10 sunod na panalo rin si Banal matapos la­sapin ang unang kabiguan sa kamay ni Rafael Con­cepcion noong 2008 para sa interim WBA super flyweight title.

Matapos ang dominanteng panalo, balak ngayon ng promoter na si Michael Aldeguer na ipadala si Banal sa Oxnard, California upang dito magsanay sa ilalim ng batikang trainer na si Roberto Garcia, na hinahawakan sina Filipino world bantamweight champion Nonito Donaire Jr. at Brandon Rios.

Wala pang malinaw sa kung sino ang sunod na makakaharap ni Banal dahil nakadepende la­hat ito sa ikikilos ni WBO ban­tamweight champion Jorge Arce na lalaban sa undercard sa bakbakang Manny Pacquiao-Timothy Bradley sa Hunyo 9.

“We don’t know yet whe­ther he will defend his WBO title or move up in weight. Only until such time he can come up with a decision then we can make our most move for Banal,” wika ni Aldeguer.

Ang paboksing na ito na tinaguriang Pinoy Pride XIII-Road To Glory ay kinatampukan din ng tagumpay na naitala nina Rocky Fuentes at Prince Albert Pagara laban sa mga dayuhang katunggali.

Pinatulog ng flyweight na si Fuentes si Javier Franco ng Mexico sa sixth round habang ang bantamweight na si Pagara ay humirit ng second round knockout panalo laban kay Phupha Por Nobnom ng Thailand.

ASIA PACIFIC

BRANDON RIOS

DANREX TAPDASAN

JAVIER FRANCO

JORGE ARCE

MANNY PACQUIAO-TIMOTHY BRADLEY

MICHAEL ALDEGUER

NONITO DONAIRE JR.

PACIFIC GRAND BALLROOM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with