Pacquiao kailangang paghandaan si Bradley
MANILA, Philippines - Aminado si trainer Freddie Roach na hindi magaang na kalaban si Timothy Bradley, Jr. para kay Manny Pacquiao.
“It’s going to be a tough fight. He is very game tough fighter, very physical and I am looking forward to a good fight,” wika ni Roach sa 28-anyos na si Bradley na hahamon sa 33-anyos na si Pacquiao sa Hunyo 9 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Nauna nang inilarawan ni Roach si Bradley bilang isang ‘dirty fighter’ na gumagamit ng kanyang siko at ulo para makalamang sa kanyang kalaban.
Itataya ni Pacquiao ang kanyang hawak na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown kontra kay Bradley, ang kasalukuyang WBO light welterweight titlist.
“We are pound for pound the best fighter in the world,” ani Roach. “We are taking on all challenges. We can’t turn people down. That’s not what we are all about. We will fight anyone anywhere. Manny Pacquiao will prove he is the pound for pound king.”
Bago hamunin si Pacquiao, dalawang southpaw (kaliwete) fighters ang tinalo ni Bradley. Ito ay sina Devon Alexander at Joel Casamayor.
Nakatakdang dumating sina Roach, Amir Khan at strength and conditioning coach Alex Ariza ngayong linggo para sa training camp ng Sarangani Congressman bilang paghahanda kay Bradley.
”He told me he wants Alex and Amir over there on Wednesday. The first two weeks of conditioning work only. They are going to work together on conditioning with each other,“ ani Roach kay Pacquiao.
Hindi makikipag-spar si Khan kay Pacquiao dahil sa preparasyon nito sa kanilang rematch ni Lamont Peterson sa Mayo 19.
- Latest
- Trending