^

PSN Palaro

Pangasinan handa na sa hosting ng Palarong Pambansa

- Ni Robbie M. Pangilinan -

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ng lala­wigan ng Pangasinan ang kanilang kahandaan para sa 2012 Palarong Pambansa sa Mayo 6-12. 

Ito ang pahayag ng mga kinatawan ng lalawi­gan at ng Department of Education sa SCOOP Sa Kamayan weekly session sa Kamayan Restaurant-Padre Faura. 

“Lahat ng gawain sa pag­sasaayos ng mga competition venues, billeting ng ahleta, opisyal at maging ng media ay nakumpleto na. At ang lalawigan ng Pa­ngasinan at mga siyudad na pagdarausan ng Palaro ay nakahanda na din,” pa­hayag ni provincial admi­nistrator Rafael Baraan.

Ikakalat ang mga events ng 2012 Palarong Pambansa sa Lingayen, Dagupan at San Carlos.

Kabuuang 17 sports events sa elementary at high school ang paglalaba­nan sa Palaro ng mga humigit-kumulang na 10,000 student-athletes.

Ang mga ito ay ang athle­­tics, arnis, badminton, ba­seball, basketball, bo­xing, chess, football, gym­nastics, sipa, sepak tak­raw, softball, swimming, table tennis, taekwondo, tennis at volleyball.        

Ang Narciso Ramos Sports Complex sa Linga­yen ang magiging main hub ng kompetisyon. Ang NRSC ay ipinangalan sa ama ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Tiniyak din ng DepEd Palaro technical committee na magiging maayos ang pagdaraos ng nasabing annual sports meet.

ANG NARCISO RAMOS SPORTS COMPLEX

DEPARTMENT OF EDUCATION

KAMAYAN RESTAURANT-PADRE FAURA

PALARO

PALARONG PAMBANSA

PANGULONG FIDEL V

RAFAEL BARAAN

SA KAMAYAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with