ULAAN BAATAR, Mongolia--Ginamit ni Alice Kate Aparri ang kanyang eksperyensa laban kay Vietnamese bet Tuyet Mai Nguyen Thi para kunin ang isang semifinals berth sa 6th Asian Women’s Boxing Championships.
Umiskor si Aparri ng 25-14 laban kay Tuyet mula sa kanyang 5-3 lamang sa first round, 12-6 sa second at 17-10 sa third round.
Bukod kay Aparri, umabante na din sa semis para sa PLDT-ABAP National Boxing Team si Nesthey Petecio.
“We can’t take anything for granted. Although two of our three boxers are in the semis, the road to the finals is anything but rosy,” ani ABAP executive director Ed Picson kay Aparri na makakasagupa si Mery Kom sa semis. “Alice faces the revered Mery Kom, and this is going to be their 4th meeting over the years. Alice has yet to beat her, but she feels the time has come.”
Nakatakda namang makaharap ni Petecio sa semis si Keija Luo ng China.
Sinabi ni Picson na inspirado ang dalawang Filipino fighters na manalo sa semis dahil sa pagsubaybay sa kanilang mga laban ni ABAP president Ricky Vargas.
Ang coaching staff ay binubuo nina national head coach Pat Gaspi, Mitchel Martinez at Violito Payla.