^

PSN Palaro

Mendoza papalo sa semis kontra Chinese netter

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Tinalo ni Jurence Zo­simo Mendoza sina 16th seed Siyu Liu ng China at Aussie netter Jack Schi­pans­ki kahapon upang uma­bante na sa semifinals sa 23rd Mitsubishi Lancer International Tennis Championships na nilalaro sa Rizal Memorial Tennis Center.

Dalawang laro ang hinarap ni Mendoza dahil naudlot ang tagisan nila ni Liu noong Huwebes bu­nga ng walang tigil na pagbuhos ng ulan.

Nagkasukatan ang da­lawang netter pero mas na­ngibabaw ang galing ni Mendoza sa tie-break tungo sa 7-6 (5), 7-6 (4), panalo.

Matapos ang isang oras na pahinga ay bumalik sa court ang 5’8, tubong Olongapo City netter at di­naig si Schipanski, 6-3, 6-3.

“Medyo napagod ako sa first game at mainit din pero hindi ko inintindi ito at humugot ng lakas sa mga magulang ko at coach ko na kasama sa mga nanood,” wika ni Mendoza.

Kalaban niya ngayong umaga ang top seed na si Nikola Milojevic ng Serbia at ang 13th seed sa mundo ay nanaig kay Omar Jasika ng Australia, 6-3, 6-2.

“Nagkaharap na kami sa Thailand two weeks ago at natalo ako sa kanya sa second round. Top seed siya at mahirap hanapin ang weakness niya pero ako, nothing to lose sa la­bang ito at lalaruin ko lang ang game at ibibigay ang best ko,” dagdag pa ni Mendoza.

Sakaling malusutan ang top seed, mapapanta­yan ni Mendoza ang pinakamagandang pagtatapos na naabot na isang Filipino netter sa boys’ single na naitala ni Jeson Patrombon noong nakaraang taon.

vuukle comment

JACK SCHI

JESON PATROMBON

JURENCE ZO

MENDOZA

MITSUBISHI LANCER INTERNATIONAL TENNIS CHAMPIONSHIPS

NIKOLA MILOJEVIC

OLONGAPO CITY

OMAR JASIKA

RIZAL MEMORIAL TENNIS CENTER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with