Bucks pinigil ng Celtics

MILWAUKEE--Umiskor si Paul Pierce ng 25 points para ihatid ang Boston Cel­tics sa 100-91 panalo kontra sa Milwaukee na tumapos sa six-game winning streak ng Bucks.

Humakot naman si Ke­vin Garnett ng 16 points at 10 rebounds, habang nag­dagdag ng 13 points si Mickael Pietrus para sa Celtics, itinala ang 4-3 win-loss record sa kanilang road trip.

Pinangunahan ni Brandon Jennings ang Bucks sa kanyang 19 points.

Malugod na tinanggap ng Bucks ang unang pag­lalaro ni Monta Ellis na kanilang nahugot kasama si Ekpe Udoh sa pamama­gitan ng trade sa Golden State Warriors noong nakaraang linggo.

Bago ang laro ay hinamon ni Bucks’ coach Scott Skiles si Jennings na depensahan si Rajon Rondo, kumolekta ng 10 points at 14 assists para sa Celtics.

Kinuha ng Boston ang maliit na 74-71 lamang pa­tungo sa fourth quarter kasunod ang pag-iwan sa Milwaukee sa 82-73 lead mula sa isang 8-0 atake.

Nakadikit ang Bucks sa 77-88 agwat bago naimin­tis ni Jennings ang isang jumper at nagsalpak naman si Keyon Dooling ng isang long jumper para muling ilayo ang Celtics sa 90-77 sa 5:54 ng final canto.

Show comments