^

PSN Palaro

Patrombon out sa Davis Cup

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Napilay ang laban ng Pilipinas kontra sa Pakistan nang tuluyan nang ihayag ng kampo ni Jeson Patrombon ang pagliban nito sa magaganap na second round Asia Oceana Zone Group II tie sa Philippine Columbian Association (PCA) indoor shell court mula Abril 6 hanggang 8.

 Ang tinamong right ankle injury ni Patrombon sa paglahok sa F1 Futures sa Japan ay malala at manga­ngailangan ang 18-anyos netter ng dalawa hanggang tatlong linggong theraphy para tuluyang maghilom ang injury.

May posibilidad na gumaling ng mas maaga ang na­sabing injury pero kulang na si Patrombon ng panahon para mapaghandaan ang mahalagang tie na kung saan ang mananalong bansa ay mananatiling palaban para umangat sa Group I sa 2013.

“Jeson will need at least 2 to 3 weeks of therapy and rest for his right ankle to fully recover. Even it he’s injury fully heel a week before the Davis Cup, Jeson won’t have enough time to train for the matches,” wika ni coach Manny Tecson.

Napag-usapan na nina Tecson at Philippine Davis Cup administrator Randy Villanueva ang sitwasyon at sumang-ayon ang huli sa gagawing pagliban ng tubong Iligan City na netter.

Nanguna si Patrombon sa kinuhang 5-0 panalo laban sa Pacific Oceania na ginawa noong Pebrero 11 hanggang 13 sa Iriga City nang manalo sa dalawang hinarap na laro.

Bukod kay Patrombon, sina Fil-Ams Treat Huey at Ruben Gonzales bukod pa sa beteranong si Johnny Arcilla ang mga regular members habang practice player si Jurence Zosimo Mendoza.

ASIA OCEANA ZONE GROUP

DAVIS CUP

FIL-AMS TREAT HUEY

GROUP I

ILIGAN CITY

IRIGA CITY

JESON

JESON PATROMBON

JOHNNY ARCILLA

PATROMBON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with