^

PSN Palaro

Petecio susuntok sa semis

-

ULAANBAATAR. Mon­golia--Ipinagpatuloy ni Filipina slugger Nesthy Petecio ang maganda niyang kampanya sa 6th Asian Women’s Boxing Championships.

Tinalo ng Davaoeña bantamweight fighter si North Korean bet Un Jong Choe, 12-5, upang umabante sa semifinal round.

Gamit ang magandang footwork, kumonekta si Petecio ng kanyang mga suntok sa katawan at ulo ni Choe sa kanilang four-round bout upang makalaban sa semifinals si Kejia Luo ng China.

Minalas namang masi­bak si Josie Gabuco ng Puerto Princesa nang matalo kay Chinese Yukie Luo, 10-16, sa light flyweight category.

Ang isa pang miyembro ng PLDT-ABAP team na si flyweight Alice Kate Aparri ay nakatakdang sumagupa kay Vietnamese Tuyet Mai Nguyen Thi nitong Huwe­bes ng gabi habang si­nu­sulat ang balitang ito.

Nauna nang binigo ni Aparri si Chinese-Taipei entry Meng-Shieh Pin, habang tinalo naman ni Tuyet si Anusha Dilrukshi Kodithuw ng Sri Lanka sa first round ng eliminations.

Ang mananalo sa pagitan nina Aparri at Tuyet ang makakakuha sa isang semis berth.

Sina Meri Kom ng India at Ren Cancan ng China ay paborito sa 51 Kg class.

ALICE KATE APARRI

ANUSHA DILRUKSHI KODITHUW

APARRI

ASIAN WOMEN

BOXING CHAMPIONSHIPS

CHINESE YUKIE LUO

JOSIE GABUCO

KEJIA LUO

MENG-SHIEH PIN

NESTHY PETECIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with