^

PSN Palaro

Win no. 2 ng Pinas ibinigay ni Aparri

-

ULAANBAATAR, Mon­golia--Matapos si ban­tamweight Nesthy Pe­tecio, si flyweight Alice Kate Aparri naman ang sumuntok ng panalo para sa PLDT-ABAP National Boxing Team sa 6th Asian Women’s Boxing Cham­pionships dito.

Umiskor ang 27-anyos na pambato ng Baguio City ng isang 15-5 tagumpay laban kay Meng-Chieh Pin ng Chinese-Taipei.

Nauna nang tinalo ni Petecio si Taiwanese bet Yuan Hu, 12-3, sa bantam­weight division sa pagsisimula ng torneo noong Lunes.

Mula sa opening bell ay hindi nilubayan ng mga suntok ng three-time SEA Games gold medalist at two-time World Champion­ships bronze winner na si Aparri, isang Hotel and Restaurant Management graduate ng University of Baguio, si Meng.

Samantala, nakatakdang labanan ni Josie Gabuco, isang two-time SEA Games gold medalist at bronze medalist sa 2008 World Championships,si light-flyweight Yukie Luo ng People’s Republic of China matapos makabunot ng bye sa first round.

Haharapin naman ni Pe­tecio si North Korean Un Jong Choe papunta sa medal round.

Ang torneo, may kabu­uang 82 partisipante mula sa 17 Asian nations, ay nag­sisilbing preparas­yon ng koponan para sa Wo­men’s Olympic Qualifying event sa Qinhuangdao, China sa Mayo.

ALICE KATE APARRI

ASIAN WOMEN

BAGUIO CITY

BOXING CHAM

HOTEL AND RESTAURANT MANAGEMENT

JOSIE GABUCO

MENG-CHIEH PIN

NATIONAL BOXING TEAM

NESTHY PE

NORTH KOREAN UN JONG CHOE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with