^

PSN Palaro

Capadocia naisahan si Kaman, umabante sa Mitsubishi netfest

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Nagwagi si Marian Jade Capadocia laban kay Carina Ma Kaman ng Hong Kong, 6-1, 4-6, 6-2, upang lagyan ng kinang ang makulimlim na kampanya ng pambato ng bansa sa pagbubukas kahapon ng 23rd Mitsubishi Lancer International Junior Tennis Championships sa Rizal Memorial Tennis Center.

Nagtiyaga uli ang 16-anyos na si Capadocia sa pagbalik-balik sa bola ni Kaman hanggang sa mag­ka-error ito sa third set upang makaabante sa se­cond round.

“Nag-relax ako sa se­cond set kaya nakabawi siya. Pero sa third set, ibinalik ko ang laro ko na magandang serve at pabalik-balik sa bola,” wika ni Capadocia, isang fourth year high school student sa Arellano University-Mabini Campus na kinuha rin ang ikalawang sunod na panalo sa tatlong pagkikita nila ni Kaman.

Sunod na kalaban ni Ca­padocia na tutungo sa US upang sumailalim sa mga traning camps at lumahok sa mga kompetisyon sa bandang Mayo, si 14th seed Klaartje Liebens ng Belgium ngayon.

“Nakita ko na siyang mag­laro at malakas siya pero gagawin ko ang lahat para manalo,” ani pa ni Capadocia na nasa ikatlong taon ng paglalaro sa Grade I event na ito at balak higitan ang pagkapasok sa quarterfinals noong 2010.

Ang ibang lahok ng bansa na nasalang ay natalo na at kasama rito si Tamitha Nguyen na kinapos sa tie-break laban kay Natsuho Arakawa ng Japan, 4-6, 7-5, 6-7(5).

Si Jasmine Ho ay natalo kay Louise Oxnfvad ng New Zealand, 3-6, 0-6; si Ro­xanne May Resma ay bigo kay Rangrong Leenabanchong ng Thailand, 1-6, 3-6; si Isabella Mendoza ay talo kay Hiraki Yamamoto ng Japan, 0-6, 0-6; bigo si Maika Jae Tanpoco kay Tami Grende ng Indonesia; 0-6, 2-6; yuko si Maria Angela Sunga kay Mami Adachi ng Japan, 1-6, 3-6; at bigo si Marinel Rudas kay Dina Karina ng Indonesia, 3-6, 4-6.

ARELLANO UNIVERSITY-MABINI CAMPUS

CAPADOCIA

CARINA MA KAMAN

DINA KARINA

GRADE I

HIRAKI YAMAMOTO

HONG KONG

ISABELLA MENDOZA

KAMAN

KAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with