MANILA, Philippines - Patuloy na susuportahan ng PhilCycling ang gaganaping apat na araw na 2012 Le Tour de Filipinas na lalaro sa Abril14 hanggang 17 sa bagong ruta.
“The 2012 Le Tour de Filipinas is a proof of the continued enthusiasm Filipinos have toward cycling and PhilCycling is again thorwing its full support,” wika ni Tolentino na siya ring tumatayong Tagaytay City mayor.
Si Tolentino ang ikalawang mataas na opisyal ng cycling na nagbigay ng pagsuporta sa Le Tour na handog ng Air21 at magsisimula sa Sta. Ana, Cagayan hanggang Baguio City.
Ang unang kumilala sa karerang ito ay si Union Cycliste Internationale (UCI) president Pat McQuaid na binanggit ang kahalagahan ng Le Tour para sa pag-usbong ng cycling sa rehiyon.
“Since its beginning back in 1955, this event has moved with the times, undergoing several changes of name and format before reaching today’s successful formula. The Philippines can be very rightly be proud of this quality cycling race that has a crucial role to play in the development of our sport in Southeast Asia,” wika ni McQuaid.
Ang Philippine National Cycling Association (PNCA) sa pangunguna ni 1978 Tour champion Paquito Rivas ang mangangasiwa uli sa karera na inaasahang lalahukan ng hindi bababa sa 10 dayuhang koponan at 5 local teams.