^

PSN Palaro

PhilCycling ibubuhos ang suporta sa Le Tour de Filipinas

-

MANILA, Philippines - Patuloy na susuporta­han ng PhilCycling ang gaganaping apat na araw na 2012 Le Tour de Filipinas na lalaro sa Abril14 hanggang 17 sa bagong ruta.

“The 2012 Le Tour de Fi­lipinas is a proof of the continued enthusiasm Filipinos have toward cycling and PhilCycling is again thorwing its full support,” wika ni Tolentino na siya ring tumatayong Tagaytay City mayor.

Si Tolentino ang ikala­wang mataas na opisyal ng cycling na nagbigay ng pagsuporta sa Le Tour na handog ng Air21 at magsisimula sa Sta. Ana, Caga­yan hanggang Baguio City.

Ang unang kumilala sa karerang ito ay si Union Cycliste Internationale (UCI) president Pat McQuaid na binanggit ang kahalagahan ng Le Tour para sa pag-usbong ng cycling sa rehiyon.

“Since its beginning back in 1955, this event has moved with the times, undergoing several changes of name and format before reaching today’s successful formula. The Philippines can be very rightly be proud of this quality cycling race that has a crucial role to play in the development of our sport in Southeast Asia,” wika ni McQuaid.

Ang Philippine National Cycling Association (PNCA) sa pangunguna ni 1978 Tour champion Pa­quito Rivas ang ma­nga­ngasiwa uli sa karera na inaasahang lalahukan ng hindi bababa sa 10 da­yuhang koponan at 5 local teams.

vuukle comment

ANG PHILIPPINE NATIONAL CYCLING ASSOCIATION

BAGUIO CITY

CAGA

FILIPINAS

LE TOUR

SHY

SI TOLENTINO

SOUTHEAST ASIA

TAGAYTAY CITY

UNION CYCLISTE INTERNATIONALE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with