^

PSN Palaro

Talsik na rin si Salas

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Napako na sa 11 ang bi­lang ng manlalaro na sasabak sa aksyon sa 23rd Mitsubishi Lancer International Tennis Championships na opisyal na magsisimula ngayong umaga sa Rizal Memorial Tennis Center.

Hindi na nadagdagan pa ang lahok ng Pilipinas sa boys at girls singles nang natalo si Vince Russell Salas sa pagtatapos ka­hapon ng dalawang araw na qualifying round sa nasa­bing venue.

Nawala ang naunang tikas na naipakita ng 13-an­yos na si Salas matapos sibakin ang fifth seed na si Zhu Zhi-cheng ng China noong Linggo matapos matalo kay Garvit Batra ng India, 6-2, 6-3.

Si Salas na lamang ang nalalabing manlalaro ng host country na lumaban kahapon dahil ang mga kakamping sina Arc Dolorito, Vernon Agnelli Huibonhoa, Jacob Lagman, Jeremiah Latorre at Eric Olivarez Jr. ay naunang nasibak sa first round.

Tanging si Maia Berna­dette Balce lamang ang pambato ng bansa na pi­nalad na nakaabante sa main draw nang ang lady netter ay nanalo sa kababayang si Andrea Nicole Amistad, 6-0, 6-3.

Ang iba pang lumaban sa girls play na sina Maria Dominique Ong at Isabella Mendoza ay hindi umubra sa mga Japanese netters nang matalo si Ong kay Natsumi Chimura, 6-0, 6-2, at si Mendoza ay pinagpahinga ni Ayano Sonoda, 6-0, 6-0.

ANDREA NICOLE AMISTAD

ARC DOLORITO

AYANO SONODA

ERIC OLIVAREZ JR.

GARVIT BATRA

ISABELLA MENDOZA

JACOB LAGMAN

JEREMIAH LATORRE

MAIA BERNA

MARIA DOMINIQUE ONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with