^

PSN Palaro

Millsap, Kanter nagsanib puwersa para itakas ang Jazz sa Lakers

-

LOS ANGELES--Tumipa si Paul Millsap ng 24 points, habang nagdagdag si rookie Enes Kanter ng career-high 17 markers para tulungan ang Utah Jazz sa 103-99 paggitla sa Los Angeles Lakers.

Ito ang ikalawang kabiguan ng Lakers sa Staples Center matapos noong Araw ng Pasko.

Humugot naman si roo­­kie Alec Burcks ng 13 sa kanyang career-high 17 points sa fourth quarter para sa Jazz, at pigilin ng Utah ang isang five-game winning streak ng Lakers at kunin ang kanilang pa­ngat­long sunod na panalo sa loob ng dalawang buwan.

Pinuwersa din ng Utah si NBA scoring leader Kobe Bryant sa 17 mintis sa kanyang 20 tira.

May 15 points si Bryant na naimintis ang kanyang 3-point attempt sa pagtatapos ng laro.

Humakot si Andrew By­num ng 33 points at 11 re­bounds para sa Lakers, samantalang may 18 puntos si Pau Gasol.

Sa Miami, nagpasikat si Dwyane Wade sa final canto upang trangkuhan ang Heat sa 91-81 tagum­pay laban sa Orlando Magic.

Hawak ng Miami ang 69-68 pangunguna bago nanalasa si Wade na na­ging daan upang itulak ang Magic sa presure at ilista ang kanilang double digits na kalamangan may 4 na minuto na lang ang nalalabi sa laro.

Nagpakawala si Wade ng 12 sunod na puntos sa fourth period kung saan gumawa siya ng 14 para sa kanyang game-high 31 puntos.

ALEC BURCKS

ANDREW BY

DWYANE WADE

ENES KANTER

KOBE BRYANT

LOS ANGELES LAKERS

ORLANDO MAGIC

PAU GASOL

PAUL MILLSAP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with