^

PSN Palaro

MVP mangunguna sa pagbubukas ng PRISAA sa Cebu City

-

MANILA, Philippines - Muling tatayo bilang pu­nong-abala ang Cebu City para sa 2012 Private Schools Athletic Association (PRISAA) National College Games mula Abril 22 hanggang 28.

Ang Abellana Sports Complex ang siyang pagda­rausan ng labanan na katatampukan ng mahuhusay na manlalaro mula sa pribadong paaralan.

May 16 sports ang pag­lalabanan sa taong ito na athletics, swimming, bo­xing, taekwondo, baseball, basketball, beach volleyball, football, sepak takraw, softball, volleyball, badminton, chess, dance sports lawn tennis at table tennis.

Magiging panauhing pandangal sa pagbubukas si sports patron Manuel V. Pangilinan na pumayag na maging honorary chairperson ng sportsfest na nagsimula noong Pebrero 17, 1953 at ibinalik noong Hulyo 2, 1990.

 “Mr. Pangilinan’s pre­sence will definitely inspire our young athletes to improve their performance and excel in their respective sports,” wika ni PRISAA national chairman at da­ting pinuno ng CHED na si Dr. Emmanuel Angeles ng Angeles University Foundation.

Babanderahan ng Ange­­­les University Founda­tion, isa sa mga mahuhusay na paaralan sa Central Luzon, ang mga kalahok na universidad at kolehiyo sa na­sabing tournament.

ANG ABELLANA SPORTS COMPLEX

ANGELES UNIVERSITY FOUNDATION

CEBU CITY

CENTRAL LUZON

DR. EMMANUEL ANGELES

MANUEL V

MR. PANGILINAN

NATIONAL COLLEGE GAMES

PRIVATE SCHOOLS ATHLETIC ASSOCIATION

SHY

UNIVERSITY FOUNDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with