Ranola ubos sa Taiwanese bet

MANILA, Philippines - Walang ningning ang makikita sa Pilipinas kung ang idinadaos na 2012 AMWAY eSpring Women’s World 9-Ball Open Championship sa Cue Master Pool Club sa Taipei, Taiwan ang pag-uusapan.

Nagtapos agad ang kampanya ni SEA Games dou­ble gold medalist Iris Ranola sa knockout stage nang hi­yain ni Lai Hui-shan ng host Taipei, 7-2, sa pagbubukas ng yugto noong Sabado.

Sinuwerte ang 24th ranked lady cue artist sa mundo na si Ranola na nakaabante sa Last 24 nang angkinin ang 3-2 karta sa Group E upang magkaroon ng pag-asa ang lahok mula Pilipinas sa labanan sa kampeonato.

Kasamang isinali sa torneo si Rubilen Amit na nasa ika-15th puwesto sa World Pool Association women’s ranking, pero nasibak agad ito sa group elimination sa mahinang 2-3 baraha sa Group H.

Ang mga nagdomina sa bawat grupo sa eliminasyon ay nag-bye sa first round at si Lai ay hindi rin nagtagal sa knockout stage dahil pinagpahinga siya ni Xiao Ting-pan ng China sa second round.

Show comments