Yang sumargo kay Biado sa Face-Off-Series

MANILA, Philippines - Nakitaan ng galing si Carlo Biado nang kanyang talunin si Yang Ching-shun ng Chinese Taipei, 9-3, noong Sabado sa idi­nadaos na lingguhang Philippine Bigtime Billiards (PBB) Face-Off Series sa PAGCOR Airport Casino sa Parañaque City.

Hanggang sa 2-all lamang nakaporma si Yang, tinaguriang ‘Son of Pool” bago umararo ng limang sunod na racks si Biado upang ilapit din ang Team Philippines sa Team Asia sa 3-2 iskor pabor sa huli.

“Hindi ko na siya tala­ga binigyan ng pagkaka­taon na makabalik pa dahil alam kong mahirap siyang kalaban lalo na kung dikitan ang labanan,” wika ni Biado na kasapi ng Bugsy stable.

Kumabig si Biado ng $5000 sa panalo sa torneong inorganisa ng Mega Sports World at BRKHRD na suportado rin ng Malungai Life Oil, Hermes Sports Bar, Golden Leaf Restau­rant, Bugsy Promotions, Mandarin Sky Sea Food Res­taurant, Billiards Ma­nagers and Players Association of the Philippines (BMPAP) at The Philippine Star na siyang official media partner.

Babalik sa mesa si Yang sa Marso 24 upang ha­rapin si Francisco “Django” Bustamante habang ang huling laro sa buwan ng Marso ay sa pagitan ni­na Ronato Alcano at Chang Yu Long sa Marso 31.

Bukod kay Biado, umu­kit din ng panalo para sa Team Philippines sina Bus­tamante habang sina Ko Pin-Yi at Chang Jung-lin ang nagdadala sa bisitang koponan.

Si Chang ay umukit ng dalawang panalo sa kanyang koponan nang talunin sina Lee Van Corteza at Den­nis Orcollo.

Show comments