MANILA, Philippines - Ang Ultimart Shopping Plaza sa San Pablo City ang pinakabagong venue para sa Milo-sponsored Checkmate summer chess clinics sa Region 4.
Ang three-day chess "learning and play" activity para sa mga beginners at intermediates ay idaraos sa Abril 10-12 mula sa alas-9:30 ng umaga hanggang alas-5:30 ng hapon sa 3F Cinema Lobby.
Ang clinic ay binubuo ng 14 oras na chess lectures at dalawang oras na kompetisyon. Ang mga mananalo ay tatanggap ng medalya, habang bibigyan naman ang mga enrollees ng Certificates of Participation mula sa Milo, ang No. 1 Energy Drink.
Ang Checkmate curriculum ay inilunsad ng Metropolitan Chess Club noong 1990 at sinuportahan ng MILO. Ito ay ibinase sa dating USSR chess development program na pinagmulan nina GM Wesley So, GM Mark Paragua at iba pa.
Ang year-round clinics na idinadaos sa buong bansa ay magsisimula sa Marso 19 hanggang Hunyo 3 sa Metro Manila at sa Abril 1 hanggang Hunyo 3 sa mga probinsya.
Para sa mga detalye ay tumawag sa Metropolitan Chess Club sa 826-8560; 584-6855; 0922-822-6319; 0922-758-1301 at 0935-370-8808 o bumisita sa headquarters sa Bldg. 1, Eton Cyberpod Corinthian, Ortigas Ave. cor Edsa.