Bakbakang Donaire-Gamboa bulilyaso na
MANILA, Philippines - Lahat ng posibleng laban ay maaaring pasukin ni world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr.
Kabilang na dito ang posibleng paghahamon ni Donaire kay world featherweight titlist Yuriorkis Gamboa ng Cuba.
“That would be great for me,” sambit ng 29-anyos na si Donaire, ang kasalukuyang World Boxing Organization (WBO) super bantamweight champion, sa kanyang posibleng paghahamon kay Gamboa.
Itinakda na ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang title defense ni Donaire sa Hulyo 14 sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.
“I would like to fight the best guys out there, but I’m at 122 right now. I don’t want to skip to a division where I know I’m small. And I’m still small at 122, that’s why I’m doing kettle bells, weight lifting and that kind of stuff,” sabi ni Donaire.
Subalit mananatili na lamang posibilidad ang laban nina Donaire at Gamboa.
Nagsampa ng demanda si Arum kay Gamboa matapos hindi sumipot ang Cuban sa kanilang press conference sa Miami at Los Angeles, California para sa kanilang laban ni Brandon Rios sa Abril.
“That was a big surprise for me,” ani Donaire kay Gamboa. “He calls out Manny Pacquiao. He calls out all these guys. Now he has a fight with (Brandon) Rios, and he doesn’t show up, and says that he doesn’t want to fight anymore, or never got the contract, or whatever their dispute was.”
Tinalo ni Donaire, nagbabandera ng 28-1-0 win-loss-draw ring record kasama ang 18 KOs, si Wilfredo Vazquez Jr. ng Puerto Rico via unanimous decision para sa bakanteng WBO super bantamweight title noong Pebrero 4.
- Latest
- Trending